Okay. Inactive ako sa tumblr for 2 days dahil dito. Ang hirap pala kapag magsisimula sa college. Ang dami dami, as in MADAMI ang requirements na kailangan. Nakakainip maghintay, pipila ka tapos makikita mo na lang ang haba ng pila, pabalik balik sa admissions office. Thank God at malalapit lang ang mga yon unlike other universities na napakalayo pa ng admissions building.
Ngayong araw, nagpamedical na ako. Ang mahal. Nakakaasar. Ang mahal talaga pag sa De La Salle mag-aaral. Bawat kilos, may bayad pero worth it naman. Good quality education naman siguro ang turo nila. I decided to take up BS RT
. Kasi wala na akong maisip na course eh.De, joke lang :D Balak ko na talaga yan. Third Year pa lang ako. Gusto ko talaga mag-medicine kaso hindi kakayanin ni parents. 100thousand per sem. PER SEM LANG.Okay lang. Kuntento na ako sa kukunin kong course. Magsisipag na lang mag-aral para hindi ako nagsasayang ng pera.
Isang taon na pala ang nakalipas mula ng i-post ko ‘to. Ganun pala talaga kapag mag-fi-first year college. Halos lahat ng ginagawa mo, pinapaalam mo sa iba. Naramdaman ko yun mula nung may mga tumblristang nagpopost about sa school na papasukan nila this coming school year. Ilang linggo na lang, pasukan na naman! At Yes!! Second Year na ako!
